SOON TO OPERATE! | Nakabatay sa layunin ng Pandi Water District (PanWaDis) ang makapagbigay ng tuloy-tuloy na daloy ng malinis na tubig at serbisyo publiko sa mamamayan ng Pandi. Kasalukuyang isinasagawa ang pagtatayo ng ika-16 pump station ng PanWaDis sa J. Bernardo St., Poblacion, Pandi, Bulacan. Ang proyektong ito ang agarang paraan upang mapabuti at mapalakas ang system pressure ng nasasakupang lugar ng Brgy. Poblacion, higit kumulang na 500 na kabahayan ang makikinabang.

  • J Bernardo PS