Upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa suplay ng tubig sa bayan ng Pandi, ang inyo pong Pandi Water District ay kasalukuyang nag-sasagawa ng pipelines/hydrotesting/cleaning sa Brgy. Bunsuran 1st kaugnay ng proyektong karagdagang pagkukunan ng tubig mula Kalye Andres, Brgy. Bunsuran 2nd.

Kaugnay nito, inaasahan po na magkakaroon ng NO WATER, LOW WATER PRESSURE AND DIRTY WATER sa Brgy. Bunsuran 1st habang ginagawa ang nasabing paglilinis/aktibidad.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakiki-isa sa pangyayaring ito at iminumungkahi po sa lahat na pansamantalang huwag munang gamitin ang tubig na pang-luto, pang-ligo at pang-hugas ng mga kubyertos. Kung makaranas ng maduming tubig i-flush o patapunin lang ang tubig. Kami po ay magbibigay muli ng update sa lagay ng tubig. Maraming salamat po.