Oplan Kaagapay sa Kalamidad agarang aksyon ng Pandi Water District (PanWaDis) sa pangunguna ni GM Elvie Santos sa muling pagbangon ng Batangas partikular na ang mga residente ng bayan ng Balayan na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. Ang Pandi Water District – Gender and Development ay personal na nagtungo sa bayan ng Balayan lalawigan ng Batangas upang ihatid ang tulong mula sa bawat kawani katuwang ang ahensya.

Mga pangunahing pangangailangan, tulad ng bigas, canned good, biskwit, tubig, at toiletries ang dinala ng mga tauhan ng PanWaDis sa Balayan East Elementary School Evacuation Center.

Sinamahan din ng General Manager ng Balayan Water District at Presidente ng Batangas Association of Water District na si GM Conrado S. Lopez ang grupo sa paghahatid ng tulong sa mga labis na naapektuhan sa pagsabog ng bulkan. Hangarin ng Oplan #Kaagapaysakalamidad na ipadama sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan ang taus-pusong pagtulong ng mga Pandieño kalakip ang taimtim na panalangin na makabalik na ang mga bakwit sa normal nilang pamumuhay.

#Kaagapaysakalamidad #TaalEruption #PanWadisreliefmission #Bayanihan