Kasalukuyan na pong nag-ooperate ang BULK WATER SUPPLY PROJECT ng Pandi Water District sa Kalye Andres, Brgy. Bunsuran II bilang karagdagang water source na makapag-susuplay ng tubig sa Brgy. Bunsuran 1st at iba pang karatig barangay. Ito po ay isa lamang sa mga proyekto ng ahensya upang lalong pag-igihan at palakasin ang kasalukuyang suplay ng tubig.

Layunin po ng inyong Pandi Water District na makapag-bigay ng mas malakas at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa bayan ng Pandi. Patuloy po ang paghahanap ng solusyon at positibong hakbangin upang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng malinis na tubig sa ating bayan.

Marami pong salamat sa patuloy na pang-unawa.