Hunyo 24, 2022 | Pinasinayan sa unang pagkakataon ang pagbubukas ng Gate Valve Interconnection Point (IP) mula sa Bulk Water Supply sa pagitan ng Balagtas Water District at Pandi Water District na ginanap sa Kalye Andres Road, Bunsuran 2nd, Pandi, Bulacan.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa pamumuno ng Pandi Water District Board of Directors, sa masigasig at agarang aksyon ng bagong Pangkalahatang Tagapamahala na si GM Joel C. Bernardo at katuwang ang mga kawani ng PanWaDis.
Pasasalamat po kay Mayor Enrico A. Roque, sa buong Sangguniang Bayan sa Pangunguna ni Vice-Mayor Lui Sebastian, mga Konsehal ng Bayan ng Pandi, at kay Brgy. Capt. Eliseo “BoyJun” Galvez sa pakikiisa sa makasaysayang araw na ito at sa kanilang mainit na pagsuporta sa mga proyekto ng Pandi Water District.
Gayundin kay GM Resty Baesa ng Balagtas Water District sa pagtulong sa hangarin ng PanWaDis na makapagbigay ng dagliang pagtugon at pangmatagalang solusyon sa tumataas na demand ng suplay ng tubig sa ating mga ka-Pandieño.Muli, maraming maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat!