OPERATIONAL BAKA-BAKAHAN PUMP STATION| Pormal na sinimulang paganahin ang pump station ng Pandi Water District (PanWaDis) na matatagpuan sa Brgy. Baka-bakahan, Pandi, Bulacan.

Binuksan ang water system dito upang agarang mapabuti at mapalakas ang system pressure ng nasasakupang lugar ng Brgy. Baka-bakahan at Brgy. San Roque, higit kumulang na 500 na kabahayan ang makikinabang.

Ang pagpapatayo ng Baka-bakahan Pump Station ay naglalayon din na masuplayan ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. Poblacion.

Ito ang ika-15 pump station ng PanWaDis at ito ang patuloy na pagtupad sa aming mandato na magbigay ng pinabuting serbisyo sa tubig sa bayan ng Pandi.

  • Baka Bakahan