BULACAN Hinikayat kahapon ni Administrator Lorenzo H. Jamora ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang mga water districts at lahat ng government units sa Bulacan na magkaisa at magtulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng isang malawakang water shortage crisis sa buong lalawigan dulot ng pagbaba ng water table, salt intrusion at patuloy na pagkasira ng kalikasan dala ng pollution at deforestation.
Ito ang naging panawagan ni Administrator Jamora sa isinagawang “First Bulacan Water Summit” na ginanap sa Lungsod ng Malolos na dinaluhan ng mga opisyales ng pamahalaang lokal at panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Governor Josefina de la Cruz, mga opisyales at miyembro ng Bulacan Association of Water Districts (BAWD) sa pangunguna ni Pandi Water District General Manager Elvie Santos, mga grupo ng mga magsasaka at iba pang samahang may kinalaman sa patubig.
Ang nasabing okasyon ay dinaluhan din ni Senadora Jamby Madrigal, chair ng Senate Committee on Environment, kilalang sumusuporta sa total logging ban sa buong lalawigan. (Ulat ni Efren Alcantara)
Reference: http://www.philstar.com/probinsiya/288848/napipintong-water-shortage-crisis-sa-bulacan-pipigilan