ANUNSYO:

Matapos ang ginawang DISINFECTION AT HYDROTESTING sa pipelines along Brgy. Bunsuran 1st, sinimulan na po ang pag-susuplay sa Brgy Bunsuran 1st, Ilang parte ng J.P. Rizal St., gayundin ang ilang parte ng J. Bernardo St., sa Poblacion. Layunin po na maging tuloy-tuloy na ang daloy ng malinis na tubig sa mga nabanggit na lugar. Ang Pandi Water District po ay patuloy na mag-momonitor at babantayan ang mga lugar na elevated hanggang makarating sa kanila ang daloy ng tubig. Kami po ay magbibigay muli ng karagdagang updates sa aming ginagawang aktibidad.

Salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa.